Smart Extraordinary Story : Have You Submitted Your Entry?

TP Friends, the deadline for submission of entries for Smart Extraordinary Story promo is on June 30, 2011 at exactly 11:59 PM. So you still have a story on how a Smart service made your life extraordinary that you want to share, feel free to submit it HERE.

The best story as determined by a panel of judges wins P100,000 and will be featured on a SMART TV ad. Participants may enter multiple times but can only win once. A special "People's Choice Award" with a cash prize of P10,000 will be given to the participant who gathers the highest number of "Likes" on the website.

You may read my own Smart Story via the link.

Last week, Smart sent me a number of good submissions for the promo. Here's one find very heart-warming (Note that this is not yet the winning entry as the contest is still on-going.) --

Ang Tatay kong Marino by Jelyn Torrano

Ang Papa ko ay isang seaman.

Bilang isang seaman, mas matagal pa ang ipinaglalayo namin kaysa sa mga panahong magkakasama kami bilang pamilya. Maraming mga espesyal na okasyon ang lumampas na hindi namin siya nakakasama. Mga panahon ng kasiyahan, kalungkutan, tagumpay pati na rin ang kabiguan.

Naalala ko nung maliit pa kami ng kuya ko, minsan isang buwan lang namin makausap ang aming Papa. Mahirap ang komunikasyon noon. Iilan lamang ang may telepono. Para makausap namin siya bumibiyahe kami ng 2 oras papunta sa bahay ng lola ko na may telepono. Madilim pa kami aalis kasi baka mapaaga ang tawag, minsan naman inaabot kami ng gabi dahil nadedelay ang dating ng barko.

Doon umikot ang buhay naming mag-anak sa napakatagal na panahon.

Nagbago ang lahat ng mauso ang cellular phone noong dekada 90. Naalala ko pa ang una naming unit na galing sa Smart ito yung car phone malaki may bag pa! Hindi na naming ininda kung ano man ang itsura ng unit namin ang importante mas naging madali ang komunikasyon naming mag-anak.

Kung dati sa voice tape ako kumakanta, tumutula at nagkukuwento sa papa ko ngayon naririnig at nakikita na niya mismo ang kanta, tula at kwento ng kanyang mga apo sa pamamagitan ng Smart Bro internet. Nasasaksihan na namin kung paano niya puriin kung gaano kagaling ang kanyang mga apo. Ang mga ngiti at tawa ang nagpapawi ng kalungkutan namin sa isa’t isa.

Ngunit minsan dumadating din ang pagsubok sa buhay natin. March 15, 2011 ang lahat ay nakatuon sa balitang lindol at tsunami sa bansang Japan. Ngunit para sa amin iba ang naging marka ng araw na iyon sa buhay naming mag-anak. Nakatanggap kami ng text message sa aking ama isinugod daw siya sa ospital sa Kobe, Japan.

smart extraordinary


Ayon sa mga doctor nagkaroon ng abdominal aneurism ang aking Papa. Naging critical ang sitwasyon ng aking ama. Naging balisa kami yun na ata ang pinakamahabang araw sa buhay naming mag-anak.

Sa tulong ng international roaming services ng Smart naging bukas ang komunikasyon naming mag-anak sa aking Papa. Naibsan ang pag-aalala, ang pangamba sa bawat text message na natatanggap namin galing sa kanya. Hanggang sa maiuwi siya sa Pilipinas noong March 23, 2011.

Sa loob ng halos isang buwan ng aking Papa sa ospital hanggang sa maiuwi namin siya, ang serbisyo ng Smart ang naging tulay sa amin para magkaroon ng komunikasyon sa bawat isa. Alam kong hindi dito matatapos an gang serbisyo ng Smart sa aking pamilya. Isa lamang ang pamilya ko sa libu-libong buhay na binago ng SMART.

Salamat sa SMART. You made a big difference in our lives.

I'm glad your dad is OK now, Jelyn. :)

No comments:

Let me know your thoughts on this TechPinas article.