Mobile Legends Tips for Beginners with Tagalog or Filipino Translation

I started playing Mobile Legends Bang Bang on my Cherry Mobile Flare S7 Plus last February and after two months, I can genuinely say that I am totally hooked on this game.

Frankly, I was never a fan of Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) games; Slaying other players to win just never appealed to me that much before. However, ever since I started playing this title, I couldn't seem to stop myself from launching the app on idle moments. There's something eerily habit-forming about it.

Anyway, having played almost 1,000 Mobile Legends matches, I'd like to share my own tips for those who are just starting to play the game. Hopefully, these words can inspire ML Beginners to be great Mythic players in the future.

I've also taken the liberty to translate each tip to Tagalog or Filipino for those who are more comfortable with our local vernacular or language.

Alright! Let's jump straight into it.

Mobile Legends Bang Bang Tips

1. Become an Expert in using one Hero first.

There are so many things to learn in the Mobile Legends Battle Arena game play and for me, the best way to understand them is by first sticking to one hero and discovering how to make kills and work with a team to win using his or her strengths. By doing this, you will figure out the roles of each kind of hero - Fighter, Marksman, Mage, Tank, Assassin, and Support - and this is a great preparation for my next tip.

Personally, the first hero I mastered was Nana who is a Mage. I learned that she specializes in supporting Fighters and Marksmen in slaying enemies and in dispersing crowds. She also excels in guarding turrets with her Molina summon.

Tagalog:

Maging Eksperto muna sa pag-gamit ng isang Bayani

Maraming dapat matutunan sa paglalaro sa loob ng Mobile Legends Battle Arena at para sa akin, pinakamainam na malaman ang lahat ng ito sa pamamagitan ng paggamit muna sa isang Bayani at pagtuklas kung paano kumitil at manalo kasama ang iyong grupo gamit ang mga kalakasan nito. Sa pamamagitan nito, malalaman mo rin ang mga papel na ginagampanan ng bawat isang hero - Fighter, Marksman, Mage, Tank, Assassin, and Support - at magandang preparasyon ito sa susunod kong payo.

Mobile Legends Tips

2. Once you've become in Expert in one, try out other Heroes.

After you have mastered how to slay enemies, guard turrets, and win games using one hero, you're ready to try out others and see how you do playing them. I would advise choosing one in a different category altogether so you have a variety of perspectives. Take note of each hero's strengths and weaknesses because you can use that information in defeating them in case you face them in an opposing team.

Filipino:

Kapag naging Eksperto ka na sa paggamit ng isang Bayani, sumubok ng iba.

Matapos mong maging mahusay sa pagkitil ng kalaban, pagbabantay sa mga tore, at pagwawagi sa mga laro gaming ang isang hero, panahon na para sumubok ka namn ng ibang bayani. Pinapayo kong pumili ng isa mula sa ibang kategorya upang magkaron ka ng iba't ibang perspektibo. Tandaan mo ang mga kalakasan at kahinaan ng mga bayani na susubukan mo dahil magagamit mo ito sa paggapi sa kanila sakaling kaharapin mo sila sa kalabang grupo.

Mobile Legends Tips

3. Train in Classic or 'Human vs AI' Mode -- not in Rank.

If you're not yet sure if you can play a hero well, do yourself and other players a favor by not joining Rank games. Take the better route and practice in Classic or 'Human vs AI' Mode first. Don't drag other players who have mastered their heroes and are ready to play in Rank Mode to reach Epic or Mythic Level.

Tagalog:

Magsanay sa Classic o 'Human vs AI' Mode -- hindi sa Rank

Kung hindi ka pa sigurado sa kakayahan mong gamitin ang isang hero, gawan mo ng pabor ang iyong sarili at ang ibang manlalaro sa pamamagitan ng hindi pagsali sa Rank games. Tahakin ang mas mainam na ruta at magsanay muna sa Classic o 'Human vs AI' Mode. Huwag hatakin pababa ang mga manlalarong mahusay na sa kanilang mga hero na handa na nasa Rank Mode upang marating ang Epic o Mythic Level.

Mobile Legends Tips

4. Destroy Turrets or Jungle? What should you do first?

Mobile Legends is a MOBA but it is also a Tower Defense game. While it is important for Fighters and Marksmen to get buffs in the jungle to increase their chances of slaying enemies, all players have to remember that you can't win in Mobile Legends without working together to destroy the turrets - and more importantly - the base of your enemies. For players that have to jungle to be stronger, they have to also keep their eyes on the lanes and be ready to help their teammates in guarding their own turrets and destroying their enemies'.

Mobile Legends Tips

Filipino:

Sumira ng Turrets o Mag-Jungle? Ano ang dapat unahin?

Ang Mobile Legends ay isang MOBA pero ito ay isang Tower Defense game rin. Habang mahalaga para sa mga Fighters and Marksmen ang kumuha ng buffs sa jungle upang mapataas ang pagkakataon nilang mapaslang ang mga kalaban, dapat tandaan ng lahat ng manlalaro na hindi sila mananalo sa Mobile Legends kung hindi sila magtutulungang sirain ang turrets - at mas mahalaga - ang base ng mga kalaban. Para sa mga manlalarong kailangang mag-jungle para lumakas, dapat nilang laging tingnan ang mga daanan and maging handang tumulong sa kanilang mga kagrupo sa pagbabantay sa sariling turrets at sa pagsira sa mga tore ng kalaban.

Mobile Legends Tips

5. Always look at the Map!

This is something that many newbies in the game always forget to do but it's an absolute essential in winning. The Mobile Legends Battle Arena is very big and your smartphone's screen only shows you a very small portion of it or to be specific, the tiny part where your hero is. To give you an idea of what's going on in other sections of the arena, there's a map in the small box located in the upper left corner of the display. Here, you can see how many of your team's turrets are still standing, where your teammates and enemies are, and also, the movement of the minions. Looking at the map often makes it easier for you to make the right decisions inside the arena and also to help your teammates in eliminating enemies, among others.

Tagalog:

Laging tumingin sa Mapa!

Ito ay isang bagay na laging nakakalimutang gawin ng mga baguhan sa laro ngunit napakahalaga upang manalo. Napakalaki ng Mobile Legends Battle Arena at maliit na bahagi lamang nito ang makikita mo sa screen ng iyong smartphone; Kung nasaan lang iyong hero. Para magkaron ka ng ideya kung anong nangyayari sa ibang bahagi ng arena, mayroong mapa sa maliit na parisukat sa kaliwaang-itaas ng display. Dito, makikita mo kung ilang turrets pa ng iyong grupo ang nakatayo, kung nasaan ang iyong mga kakampi at kalaban, at kung ano ang galaw ng mga minion. Sa pagtingin sa mapa nang mas madalas, magiging mas madali para sayong gumawa ng mga tamang desisyon sa loob ng arena, tulungan ang iyong mga kakamping talunin ang mga kalaban, at marami pang iba.

Mobile Legends Tips

6. Communicate with your Teammates

Mobile Legends Bang Bang is a 5 vs 5 Team Game and as such, it is important for players to talk to each other to increase the chances of winning. No matter how skilled individual players are, if they won't support each other and play as a team, their chances of winning will be slim. Inside the game, you can talk to your teammates by clicking on the Note icon in the right corner of the screen and typing your message. You may also send default messages like "Attack the lord" or "Clear up lanes" as a suggestion to your team on what to do next.

Aside from using the message box, you and your teammates can also turn on Voice Chat which is a faster and more efficient way to communicate rather than typing notes.

Filipino:

Kausapin ang iyong mga Teammate

Ang Mobile Legends Bang Bang ay isang  5 vs 5 Team Game kaya naman mahalaga na mag-usap ang mga players para mapataas ang tyansang manalo. Kahit gano kahusay ang bawat manlalaro, kung hindi sila magtutulungan at kikilos bilang isang grupo, magiging manipis ang tyansa nilang manalo. Sa loob ng laro, maaari mong kausapin ang iyong teammates sa pamamagitan ng pag-click sa Note icon sa kanang sulok ng screen at pagtatype ng iyong mensahe. Meron naring mga nakahandang mensahe gaya ng "Attack the lord" o "Clear up lanes" bilang suhestyon sa iyong team para sa susunod ninyong gagawin.


Bukod sa paggamit sa message box, maaari nyo ring i-turn-on ng iyong mga teammates ang Voice Chat na mas mabilis at mahusay na paraan ng pag-uusap kumpara sa pagta-type ng menhase.

Mobile Legends Tips

7. Study Emblems and Equipment for Heroes

As you reach higher levels as a Mobile Legends player, you will inevitably discover the value of using emblems as well as mixing and matching equipment to make your hero more powerful and harder to slay inside the game.

Mobile Legends Tips

Each hero - depending on its attack style or category - works well with specific emblems. For instance, Eudora is a Mage so you want to use emblems under Magical and Mage to enhance her skills and power. In the same way, you can use Physical or Fighter emblems for Zilong because he specializes in charging towards opponents and eliminating them up close.

Mobile Legends Tips

Based on your growing game experience, you can customize or create your own set of equipment per hero even before entering the next bout. However, remember that you can always change the items or equipment that you'll purchase within the game itself depending on conditions inside the arena.

Tagalog:

Pag-aralan ang Emblems at Equipment para sa Heroes

Habang tumataas ang iyong level bilang Mobile Legends player, di maiiwasang malaman mo ang halaga ng paggamit ng Emblems at Equipment upang palakasin at patatagin ang iyong Hero sa loob ng laro.

Bawat hero - depende sa estilo ng pag-atake o sa kategorya - ay may binabagayang emblems. Halimbawa, si Eudora ay isang Mage kaya maari mo syang ipares sa Magical at Mage emblems upang mapalakas ang kanyang kakayahan at kapangyarihan. Gayundin, maaari mong gamitan ng Physical at Fighter emblems si Zilong dahil dalubhasa sya sa pagsugod sa mga kalaban at sa pagtapos sa kanila nang malapitan.

Batay sa iyong lumalagong karanasan sa paglalaro, maaari kang mag-customize o gumagawa ng iyong sariling hanay ng equipment kada hero bago pa pumasok sa laban. Tandaan lamang na pwede mong ibahin ang mga items o equipment na bibilhin mo sa loob ng laro depende sa kung anong nangyayari sa arena.

8. Don't be a toxic ML player!

I know how hard it is to keep one's composure in a game when you have teammates in a Rank Game who keep being disconnected or who are not using their heroes properly. Like so many of you, I am not the nicest ML player out there and I've been very angry in many games -- especially when my team is not doing well because of bad teammates. My advice for you - and this is also something I need to remember - is to avoid trashtalking within the game by using words like "vuvu" or "kanser" and to be a bit more forgiving of the shortcomings of my teammates. After all, Mobile Legends is just a game. ML should be fun for everyone - regardless of skill level - so let's all just enjoy the experience!

Filipino:

Huwag maging toxic ML player!

Alam ko kung gaano kahirap magtimpi sa laro kapag meron kang teammates sa Rank Game na laging nadidisconnect o hindi pa marunong gumamit ng kanilang hero. Gaya ng marami sa inyo, hindi ako ang pinakamabait na ML player at sobrang nagalit narin ako sa maraming laro -- lalo na kapag malabong manalo dahil sa di maayos na ka-team. Ang payo ko sa inyo - at paalala ko rin sa aking sarili - ay iwasang magtrashtalk sa laro sa pamamagitan ng pagsabi ng mga salitang gaya ng "vuvu" o "kanser" at maging mas mapagpatawad sa mga pagkukulang ng teammates. Laro lang naman ang Mobile Legends. Dapat maging masaya tayo sa paglalaro ng ML - anuman ang level natin - kaya enjoy lang!

So there you have it! These are my tips for my fellow Filipinos who have just started playing Mobile Legends Bang Bang on their Android smartphone or Apple iPhone. If you found this post useful and informative, don't forget to share it with your friends on social media. Cheers!

No comments:

Let me know your thoughts on this TechPinas article.